Link

SHE BADLY NEED ADVICES DAW PO KA-HUGOT! -#9 My boyfriend po ako. 13 months na po kami. Masaya po kami nung una. Nagkakaintindihan po kami. Kaso po nung una lang po yun. Para andami pong changes ang napansin ko sa kanya. Nagsimula po yun matapos ang 1st anniversary namin. Bigla pong naging madalang ang communication namin. Hindi na po sya ganun kadalas makipagkita. Hindi na po sya ganun kaupdated sa mga ginagawa ko. Hindi na rin po sya ganun kadalas tumawag. Nagdududa na po ako. Para po kasing iba ang tumatakbo sa isip ko kung bakit sya nagkakaganun. Alam ko naman pong masama ang overthingking. Pero di ko po kasi talaga maiwasan ee. Para po kasing may iba na sya. At dahil po sa doubt ko na yan. Nagkaroon ako ng panibagong problema. Dahilan nga po ng hindi nya pagpaparamdam e naghanap ako ng atensyon. Atensyon na sa iba ko nakuha at hindi sa kanya. Meron po akong nakachat at naging bestfriend ko yung taong yun. Gusto nya po akong ligawan pero syempre po hindi ko pinapayagan Kasi nga po may bf ako. But unexpectedly nafall po ako dun sa bestfriend ko. Sobrang caring nya po kasi e. Yung feeling na kahit alam nya po na may bf ako e dinadamayan nya pa din ako sa problema ko. Di ko po alam ang gagawin ko. Naguguluhan na po ako. Dapat ko pa po ba ipagpatuloy ang meron kami na bf ko or would I let my bestfriend court me?
Reviewed by Mark Joshua Austria on 9:06 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.