KA-HUGOT KAILANGAN NIYA DAW PO NG ADVICE! -#10 Nagkaroon ako ng ka M.U before, pero alam ko namang wala pa ako sa tamang edad that time para pumasok sa ganong bagay. Actually childhood friend kami, we’re both christians kaya siguro mabilis na nagkapalagayan yung loob namin. Nung mga bata pa kami crush ko na sya pero yung bestfriend ko yung crush Saklap noh! Then yun, after how many years nagkaron ulit kami ng komunikasyon at yun nga naging mag M.U kami pero he left me I don’t know the reason why. Or it’s just because were far from each other? I really dont know. One year passed nagkaroon ako ng bf. One year naging kami, akala ko sya na talaga akala ko hindi na kami maghihiwalay kase legal kami both sides pero we end up broken. Masyadong seloso, wala ng tiwala kaya ako na yung nakipaghiwalay. Tahimik na sana ako e, naka moved na sana ako sa lahat ng sakit pero eto sya ngayon. Yung ka M.U ko dati bumalik. He explained everything. Huhuhu! Kaya nya daw ako iniwan noon kase he just saved me from falling kase daw masyado pa akong bata. Minahal nya daw ako at hanggang ngayon hindi daw nagbago yun. Hindi ko na alam, parang bumalik lahat, yung feelings at yung memories namin. He said that he’s willing to wait for me. Maaari ko pa po ba syang bigyan ng chance? O hindi na? Thank you in advance sa advice!
No comments: