Link

KA-HUGOT KAILANGAN NIYA DAW PO NG ADVICES! -#8 May naging ka m.u po kasi ako sa trabaho ko last year.july naging ok po kami hanggang nov. Sobrang sweet po niya, nafall po talaga ako sa kanya. Nung una gusto po niya makipagrelasyon ako po ayoko sabi ko po kasi go with the flow lang kami ung hindi committed basta masaya po kami sa isa’t isa. Kasi kakahiwalay lang po nila ng girlfriend niya 2mos bago po kami maging ok. Sabi ko po para kahit bumalik yung gf niya o maging ok sila hindi siya committed. Pero dumating po sa point na nagtxt ulit ung girl 4mos after. Hinayaan ko po ulit sila magkatxt sabi ko po sige magkamustahan kayo pero sobrang okey na okey po kami nun. Pero dumating po sa point na bigla na lang pong hindi siya nagttxt masyado kesyo busy daw siya o hindi niya po ako inaalala na, weeks po after nilang magkatxt. Sobrang nasasaktan na po ako ng mga panahon na yun. Pero tikom bibig pa rin po ako, dahil ayokong magalit sa kanya. Mas pinipili ko pong itago lahat. Dumating po po sa punto na nagkakasakit na ako kakaisip. Kinausap po siya ng kaibigan pinapili siya hindi po siya sumasagot. Kinausap niya po ako at sinabing “hindi ba ok lang na ganito tayo?” Masakit po sa part ko pero sinabi ko ok lng. Masakit yung alam mong minsan ikaw kasama niya minsan gf niya pero ramdam mo pa rin siya na may halaga ka pa rin sa kanya. Pero ngayong isang taon na po ang nakakalipas, ang dami na pong nangyari ulit. Ultimo mo ibang babae niya hinaharap na niya sa akin. Yung napapahiya ka na sa harap ng ibang kasama niyo. Pakiramdam ko wala na po akong respeto sa sarili ko. Kung itrato na rin po niya ako parang wala po kaming pinagsamahan. sobrang tanga na po ako sa mukha ng ibang tao, noon nga po nagagawa kong hindi umuwi ng bahay para lang makasama siya. Ang napakasakit po kasi sa part ko hanggang ngayon nandun pa rin ako sa sitwasyon ko. Hindi ako makaalis. Sobrang sakit na lahat ng dinanas ko. Pero minsan pinipilit ko pa rin lumapit sa kanya kahit minsan pakiramdam ko iniiwasan na rin niya ako. Napakasakit po sa part ko na ganun ang nangyari na kahit pagkakaibigan namin nahihirapan na po ako ibalik. ano po ba ang dapat kong gawin? Hanggang ngayon kasama ko pa rin po siya sa trabaho. Salamat po.
Reviewed by Mark Joshua Austria on 7:50 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.