#2 #HUGOTBABAE - Bestfriends noon, wala na lang ngayon Dear HugotBabae, May dalawa akong kaibigan. Ang isa ay noon ko pa talaga bestfriend pero yung isa naman ay last year lang. Noon, hindi naman ganoon ang bestfriend ko pero simula nung naging close lang sila ng bestfriend ko eh parang ine-chapuera na lang nila ako. Ang bestfriend ko naging iba na ang pakiki tungo sa akin. Hindi na siya palaging nagkukwento tungkol sa mga sekreto niya. At sila na lang palagi ang magkasama at magkausap. Nakakasama na talaga ng loob. Iniisip ko na sana hindi ko na lang kinaibigan yung bestfriend niya ngayon para hanggang ngayon kami pa rin ang magbestfriend. Na try ko ng sabihin sakanya ang nararamdaman ko pero parang ang epekto sakanya ay nagjo-joke lang ako. Tuwing may pinaguusapan sila OP ako palagi. Tinatanong ko sila kung ano ang pinaguusapan nila pero ang sinasagot lang nila sa akin ay “Kasalanan mo kung bakit ka na O-OP! Napaka anti-social mo kasi” Hayss :(
No comments: