#1 #HUGOTBABAE -Hi admin i just want to share may katangahan love story.. Cj nalang ang codename ko . Sana magustuhan nyo ang story ko.. Hi 18 yrs old na ko.. Pero hindi pa ako college dahil nalate ako ng enrollment and mas pinili ko munang mag part time job, btw Pero gusto niyo ba malaman kung anong school levels lang ako nag ka boyfriend? Nung grade 5 ako hahaha aga diba? Ewan ko ba masyado na kong confuse sa love love na yan so ayun.. Pero puppy love lang naman yun dun naman talaga nagsisimula diba? So 1st yr highschool ako nung magkaserious boyfriend ako ang tagal namin halos almost 2 yrs and 5 months tapos legal both parents at dahil malapit lang din naman siya saamin.. Super duper inlove ako nung mga time na yun nagkaproblema lang kami dahil mas matanda ng 3 yrs saakin ang naging bf ko nun pero ayos naman nakakasabay naman ako sakanya.. Ok naman kami pero di ko alam parang nagkasawaan ata pero mahal na mahal talaga namin ang isat isa hanggang sa may na involve ng ibang tao sa relasyon namin may pumoporma saakin parang nahuhulog na din loob ko. Nung time kasi na yun nakipag cool off saakin ng bf ko ayoko talaga sa lahat yung cool off kasi syempre di mo alam kung ano na ba talaga magiging status ng relasyon niyo kaya ayoko ng may nakikipag cool off saakin masakit yun e. Pwedeng kayo o break na so wlaa nga idea kaya ayun hanggang sa maligawan ako ng iba pero wala sa hiwalayan din talaga natuloy pero sobrang walang problema sa relasyon kong to kumbaga eto yung pinaka magandang relationship sa buhay ko.. So sabi ko nga katangahan ko sa lovelife ang ikwekwento ko.. Ayun after ng pinakamagandng relasyon ko sumunod na ng mga naging bf ko wala na hindi na nagtatagal marami na kong napalit after nya marami ng dumaan saakin nakakamiss yung relasyon na maayos pero wala na e wala na din naman ako nararamdaman sa taong yun nakakamiss lang yung may maayos na relasyon parang feeling ko wala ng matinong lalaki ngayon talaga… Eto kwkekwento ko na talaga katangahan ko… After 4th yr HS single nanaman ako… Natuto na rin uminom uminom na di ko naman ginagawa dati…. Ewan ko ba parang nampaka hopeless ko na at may problema pa sa pamilya.. Isang gabi napatambay ako sa labas actually di naman tambay yun dahil kahit papaano di naman ako ganung babae no! Kumbaga napadaan tapos biglang may nagtext sakin sabi niya “hello” e dahil number lang malamang mag tatanong ako kung sino sya at kanino nya nakuha number ko at ang reply nya “hi ako si AG Binigay ni ____ yung number mo” initial nalang yung sasabihin ko.. Sabi ko naman “Ahh ok sabi nya nga sakin gusto mo daw ako makita” makalipas ang 2 araw nagkita kami kasama tropa niyang babae na kakilala ko nakamotor kami papunta sakanila.. Dinala nya ako sakanila pinakilala sa magulang nya ok naman tapos dun kami sa kwarto nya wala nag kwentuhan asaran e ako kasi yung tipo ng babae na medyo kalog yung basta biruin mo bibiruin din kita mahiyain pag di pa ko kinakausap hahaha.. Ayun dahil uso ang flappy bird nun naglaro kami at sabi nya pag mas mataas daw ang score niya ikikiss ko daw sya.. So game naman ako dahil alam ko sa sarili ko na magaling ako dun hahaha.. Nauna sya 1 ang score niya 0 ang score ko diba ang galing ko? Hahaha bat ganun maybe kinakabahan ako hahaha so kiniss nya ko sa cheeks bat malapit na sa lips ahhaha landi nya e .. Ok naman pakikitungo nya sakin kaya nahulog na din ako at agad agad ko na syang sinagot… Nag monthsarry na kami pagdating ng 5th monthsarry namin medyo di ko na nagugustuhan yung asta nya dahil may nakikita na kong babae sa mga chat nya… Yung tipong akala ko eto na pero di pa pala… Lagi kaming break tapos magkakabalikan tapos break uli magkakabalikan uli laging ganun every month… Dahil nga sa selos di na kami nagkakaintindihan mag 1year kami ng magkabalikan ulit isusurprise ko sya kasi syempre anniversarry namin so dahil di sya ok sa bahay ako ang laging pumupunta sakanila hindi alam ng mga magulang ko na kami pa.. Sobrang mahal ko kasi e.. E yun nga anniversarry namin usapan na yun na susunduin nya ko pero nagtext sya sabi nya nuod muna ako ng liga nila hinintay ko sya sa may kanto sabi ko sunduin nya ko dahil kulang na ang pamasahe ko pero sabi nya puntahan ko daw sya kasi magsiimula na yung laro nila ang sakit na mas uunahin nya pa yung iba kaysa sakin e gabi na yun madilim pa sa dadaanan ko at malayo pinilit ko sya nainis na ko wala na ko sa mood para sorpresahin sya angdami kong dala para sakanya tapos ganun mangyayre edi ayun pinuntahan niya ko nuod ako liga nila pero galit na galit ako dahil wala din akong maupuan dun buhat buhat ko parin yung mga regalo at sopresa ko sakanya hanggang matapos ang laro di ko sya kinakausap hanggang sa pumunta kami sakanila sabi ko uuwi nalang ako pero pinipigilan nya ko pag dating namin sakanila umupo kami tahimik lang ako at bigla akong nag walk out., hinabol nya ko pero di sya nagsasalita mangiyak ngiyak na ko habang naglalakad sumisigaw na ko sa kalye dahil pagod na pagod na ko sa mga pinaggagawa nya saakin ng makalma ako pumayaga ako g bumalik sakanila nagusap kami and dun ko na talaga binuhos ang lahat ng gusto kong sabihin. Sabi ko “A… Tangina naman kailan ka ba magbabago? Napapagod na ko lahat na nagawa ko pero bat mo ko ginaganito pagod na pagod na ko pero ni minsan ba sumuko ako?? Hindi! Kasi mahal na mahal kita sobra! Tignan mo naman ako babae ako nagtyatyagang pumunta sainyo ayaw kong ayusin sarili mo para maging ok kasa bahay sa mami ko galit na galit sayo mami ko! A… Alam mong may sakit ako sa puso may hika! kaya bawal sakin mapagod at magpuyat pero di ko na iniisip yun kahit gabing gabi na ko umuwi galing sainyo ayos lang saakin! Kahit na araw araw ako pinapagalitan samin iniinda ko lang lahat ng yun! Kulang nalang patayin mo ko! (Habang nagsasalita ako nagiiyakan kami) kahit na di mo ko nirerespeto sige lang ako.. Kahit andami ng na involve na babae sayo tinanggap ko yun! Ako gumagastos nag eeffort ng lahat ano lang ba hiningi ko? Pagmamahal at effort lang na hatid sundo ako pero di mo magawa yun iniintindi nalang kita.. Nunf harap harapan na binastos ako mg tropa mo na nagkwekwento sa babae nag walk out lang ako! Ni hindi mo ko hinabol ni hindi mo manlang ako pinagtanggol! Tangina pagod na pagod na ko.,. Mahal na mahal kita… pero pagod na ko ! Yan ang mga sinabi ko sakanya pero after ng mga yan naghiwalay kami at nagkabalikan uli sa tuwing mag momove on na ko tsaka sya magpaparamdam.. Di ko alam kung bat lagi ko pa syang tinatanggap sobra na nga sya sa chances e at ang huling hiwalay namin last month kampante na ko nun sa sarili ko kaya ko nanaman di ko nasya pinapansin kahit magparamdam sya . Nagkita lang kami ulit dahil nga sa may kaibgan ako sa lugar nila biglaan nalang ulit na bumabalik nararamdaman ko dahil siguro nga di pa ko talaga totally move on nasanay lang ako na wala sya kaya eto kami nanaman hanggang ngayon umaasa ako na magbabago sya wala e mahal ko e. Ok naman kami… 1yr and 3 months na kami.. Di ko alam kung destiny o katangahan lang talaga tawag dito pero isa lang ang alam ko kahit na anong mangyare mahal ko sya mahal na mahal … Nagbabago nanaman sya e sana nga tuloy tuloy na to,,. Ps. Hindi naman masamang magpakatanga… Ang tanga yung mahal natin na niloloko tayo kaya ok lang yan kung naging tanga tayo parte ng buhay pero dapat alam natin kung hanggang saan lang.
No comments: