– Share ko lang ‘tong story ko. (PA-HIDE NG IDENTITY KO HA? THANKS!) – I met this guy, during summer vacation. Somewhere in North siya, sa isang facebook group kami nagkakilala. Chat chat, until medyo nakakaramdam na ko na may “something” na. At first, ayoko sa kanya kasi he’s 4 fuckin’ years younger than me. He was only 17, and I was 20 that time. (Kaka-21 ko lang last month) pero sabi niya, “age doesn’t matter naman daw.” So, pinayagan ko siyang manligaw. Wala akong masabi sa kanya, he’s a sweet guy. Talagang mararamdaman mong sincere siya sakin. And then, sinagot ko siya. Naging kami. Okay naman yung flow nang relationship namin. Yung feeling na “ang swerte ko kasi ako ang girlfriend niya”, lahat ginagawa niya maparamdam niya lang kung gaano niya ako kamahal. Pero until dumating na sa point na mas madalas na kami mag-away kesa mag-lambingan. Dumating na din sa point na, nasasaktan na niya ako verbally. Yeah, ang sakit niya magbitaw nang mga salita at pinag-bibintangan niya ako sa mga bagay na hindi konaman ginagawa. Sinasabi sakin ng mga kaibigan ko, “takot yan sa sarili niyang multo.” Dahil, mahal ko talaga siya, Paulit ulit ko siyang pinapatawad kahit paulit ulit niya akong sinasaktan, na dumadating sa point na “taken for granted na lang ako” Tanga ko daw sabi nila, kasi ba’t ako nagttyaga sa kanya. Bukod na sa immature pa, ang layo layo pa niya. Pero nag-memeet kami. Around U-Belt lang siya nag-aaral. (Hindi ko na sasabihin kung saan school). Pinakahuling away namin yung nakikipag-hiwalay ako sa kanya, pero ayaw niya. Then, he said na bibigyan niya muna ako ng space. Papa-lamig lang daw. Pero ang saklap, kasi habang ako pinapalamig yung sitwasyon siya nag-iinit sa iba. :( kinausap ko siya via call, umiiyak ako. Sabi ko, “ano bang ginawa ko para saktan moko ng ganito? May kulang pa ba?Lahat ginawa ko, lahat iniwasan kom sinunod kita kahit labag sa loob ko tapos ganito i-gaganti mo sakin? Sobra kitang minahal kahit lagi mo nalang akong sinasaktan.”. Sobra akong nag-breakdown, nanginginig ako sa galit, panay mura lumalabas sa bibig ko that time. Dumating din sa point na naki-usap ako sa babae na layuan na niya boyfriend ko. Pero imbes na maging okay, mas naging worst pa yung nangyari. Sinisisi ako ng boyfriend ko (that time) kung bakit daw iniwasan siya nun babae. Ako pa talaga? Mismong girlfriend niya? NGAYON: Tapos na pagiging tanga ko sayo. Tapos babalik ka, para sabihin mong nagsisisi ka sa ginawa mo? Na babawi ka sa lahat nang ginawa mo sakin before? Hindi ganon kadali yon. NASAKTAN MO KO NG HUSTO. NATAPAKAN MO PAGKABABAE KO. AKALA KO MATINO KA, ISA KA DIN GAGO KATULAD NILA. Ang daming nawala sakin, hirap na ako magtiwala ngayon. Hirap na ko mag-mahal, kahit gaano ko ka-gusto magbigay ng chances sa iba hindi ko magawa. Dahil sayo.
No comments: