Link

– Dear Hugot Babae, Sainyo ko nalang po sasabihin itong problema ko nasasaktan na po kasi ako at walang mapagsabihan ng problema.Itago niyo nalang po ako sa pangalang -Laging Umaasa.Meron po ako classmate na lalaki na gustong gusto ko po talaga sobra.Parang love at first sight po ganun.Kaso nalaman ko po sa balibalita na gusto niya ang bestfriend ko.Sobrang nasaktan po ako.Maganda po kasi ang bestfriend ko.Ginagawa ko po ang lahat para magustuhan niya ako.Tapos isang araw po nagtanong po ako sa lalaking gusto ko sabi ko “Totoo bang may gusto ka sa bestfriend ko?” Tanong ko sakanya tapos sumagot naman siya sabi niya “Oo meron.Wag mong sabihin ha?” Sabi niya.Gumuho ang mundo ko nung narinig ko ang sinabi niy.Grabe sobrang nasaktan ako.Buong araw akong lutang eh dapat gagala kami ng mga katropa ko sabi ko hindi muna ako sasama dahil masama pakiramdam ko.Pero totoo ayaw kong sumama dahil ayaw ko muna makita bestfriend ko.Pag uwi ko sa bahay iyak lang ako ng iyak.Hanggang kinabukasan sinabi ko den sa bestfriend ko tapos sabi niya di daw siya naniniwala.Pero biglang kumalat yung balita may gusto daw yung lalaking mahal ko sa bestfriend ko lagi silang inaasar na ayieee magkaka forever na din sobrang sakit.Ano po bang maiiadvice niyo sakin?Lalayuan ko po ba ang bestfriend ko dahil siya ang punot dulo kung bakit ako nasasaktan o hahayaan ko nalang po?Advice po. -Laging umaasa
Reviewed by Mark Joshua Austria on 11:12 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.