Sa isang gabi at sa isang desisyon burado lahat ng pinagsamahan, biglang wala ng iyong pinaglalaban. Sa isang gabi na puro sakit lang yung mararamdaman mo. Sa isang gabi na sinira niya pala lahat ng pangako niya lalo na yung katagang walang iwanan. Sa isang gabi na sana para sayo hindi nalang dapat dumating. Sa isang gabi na sana hindi nalang nangyari. Sa isang gabi na sa isang salita mawawala yung taong dahilan kung bakit ka masaya. Sa isang gabi lang naputol yung taling pinagkakapitan mo. Sa isang gabi na mahuhulog kang muli ngunit wala nang sasalo, sasarilinin mo nalang yung sakit, tatayo ka nang ikaw lang, uuwing magisa bitbit ang sarili na sugatan. Dahil sa isang desisyon at sa isang gabi. -
No comments: