Link

SHE BADLY NEED AN ADVICE KA-HUGOT :’( - #25 Kailangan ko talaga advice! So I met this guy during Sinulog weekend dito Cebu. Tapos nung remaining days niya dito kami talaga kasama then we exchanged numbers. Taga mindanao sya and Manila based. Hanggang ngayon lagi kami nag co communicate. Pumunta sya dito uli Cebu nung April tapos nagkita ulit kami sa Boracay nung May.. Binisita ko din sya sa manila nung June.. Di ko na namalayan nahuhulog na pala ako sa kanya kahit alam ko 9 years gap namin. Di naman ksi sya ganun na tanda tignan. And di ko na fe-feel na malayo agwat namin. May anak na sya pero walang asawa.. Di rin kami magka parehas religion kaya may konting problema din dun. Bumalik ako sa manila last week para bisitahin sya. Kahit may kutob ako na may babae sya dun o sa probinsya nya. Di ko kasi kayang mawala sya. Ewan ko ano estado ng relasyon namin bastat alam ko na siya lang nakakapa gaan loob ko at nagpapasaya sakin kahit malayo kami sa isat isa at laging nasasabik sa muling pagkikita.. Kaso nung pauwi nako cebu last week, nung araw na yun, may nag message sakin babae. Sinasabi “girlfriend” daw nya, wala naman syang binanggit sakin nun. Nakita daw nya mga pics namin inupload ko sa instagram, akalain mo yun nag sto stalk din pala ang puta. Malay ko ba jowa nya o di kayay isa lang din sya sa babae nya nag ke claim gf. Kaya di ko na ipr private instagram ko para makita nya lahat. Pero kahit ganun, gustong gusto ko pa din sya at ayaw kong maputol kung ano man meron samin kahit alam kong sinasaktan ko lang sarili ko. Sasabihin ko ba sa kanya na nag message sakin yung babae? Takot kasi ako pag totoo man yun, susuyuin nya yung babae tas magiging okay sila tapos ending kami hindi magiging okay kahit alam kong mahal ko na sya. Kahit malayo agwat namin at kahit mas bata ako, nasasaktan din ako. Kahit di ko sinasabi sa kanya. Hahay. Help
Reviewed by Mark Joshua Austria on 7:54 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.