Link

“Mata-mataya” Sa kalsada, natira tayong dalawa mula sa sampung bata na pina-uwi at kusang umuwi dahil kainan na. Ako? ayoko pa kasama pa kita eh, baka kasi pag-uwi ko hindi nako palabasin ng nanay ko panigurado bukas na naman ulit kita makikita. Kaya nandito ako sa harap niya, pawisan, nanggigitata sa pawis, at medyo hinihingal dahil sa katatapos lang na habulan kanina. Ngayon nasa harap kita, nakahanda para magpick na kung sinong talo ay siyang taya. Sinimulan kong ikumpas ang aking kamay pataas ganun karin Gunting ako Papel ka, ako dapat ang panalo diba ? Pero bakit mo sinabi na ako ang taya ? Nagulat ako hindi ko alam ang gagawin ko, papalag ba ko? Pano kung umayaw siya at iwan ako? Sa takot ko, binalewala ko ang PANDARAYA niya, hinabol ko siya Nakaramdam muli ako ng galak,katuwaan sa puso, OO may nakakaramdam ako ng pagod pero hindi ko iniinda dahil pinipilit kong maging masaya kung anong meron tayo. Bumagal ka,nahawakan ko ang likod mo sabay sigaw kong “TAYA”, Wala kang reaksyon, nakatalikod ka lang parang wala lang ako sayo, maya-maya tumakbo ka uli sabay sabing “HINDI PA, HABULIN MO KO ULI” Nakaramdam ako ng dismaya sa sarili ko at sa kanya, hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa to, kahit napapagod nako, Pero pinilit ko pa rin, pinilit kitang habulin. Sa pangatlong pagkakataon, nataya rin kita akala ko ayun na, akala ko wala nang kadismayahan pero pinipilit mo ang gusto mo, hindi pa puro ka hindi pa. Napasigaw ako hindi na! hindi na! ayoko na! Tinalikuran ko siya na may mugto ng luha sa mata, nagbabadyang tumulo . Humakbang ako ng isa, dalawa hanggang sa sunod- sunod na paglalakad…..PALAYO. -admin les :)
Reviewed by Mark Joshua Austria on 3:40 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.