Kailangan niya po ng advice :) -#29 Bakit ganon? May mga lalake ba talaga na ibang iba nung nanliligaw palang sila at pag naging kayo na? Hindi ba pwede na stable lang sila? O sadyang ganun lang talaga ang mga lalaki? Alam mo yun? Yung sa una, wow super kakilig to. Di mo maexplain yung feeling. Yung napaka excited mo na maging kayo lalo na ramdam mo yung love niya para sayo? Hayyyy. Nung una, lagi akong updated kahit ano pang bagay, kaen maligo matulog aalis darating may magchat may magtext, bsta lahat lahat. Pero bakit nung naging kami na, nabawasan ata yun? Actually nawawala na nga yata e? Nkakainis pa dito, kapag sinasabihan ko, siya pang nagagalit. One time, nagchat yung ex niya sakanya, ang sabi niya kmusta raw bakit daw di siya sumasagot, ako raw ba yung gf kaya di nnaman sya yung sumasagot? Kasi raw gsto nya lang sbhin na siya yung tumatawag sa bf ko at nakausap pa raw niya. So I was shocked. Kasi, wala naman sinasabi yung bf ko sakin na nakausap niya yung ex niya. Super hate ko kasi ang mga ex nya. Tipong nananahimik ako, icchat nila ako o siya. I confronted my bf, sabi niya sakin, bakit kailangan pa raw niyang sabihin na nakausap niya e wala naman raw kwenta. Wala nga sana, kaya lang bakit kailangan sabihin pa saken ng ex niya!? Bakit ganon? Dapat ba tlga, sa iba ko pa malaman!? Di pwedeng sakanya mismo? Ako kasi yung tao na, okay lang kahit ano pa yan basta alam ko. Atleast, di ako nabubulag sa nangyayari. Ang sakit lang sa loob. Tapos, sasabayan kapa niya? Hayyyyyy, ako naman heto dahil gsto ko alam niya lahat nang gngwa ko, lahat sinasabi ko. As in, kahit ano para alam niya. Di ko na siya maintindihan. Mahal na mahal ko naman siya, araw araw ineexpress ko sknya yun kahit sa text or chat lang, kasi weekends lang kami nagkkasama dahil nagaaral pa ako. Tapos pag magkasama naman kami, parang wala man. Alam mo yun, napaka sweet kong tao pero dahil sa siguro hindi siya showy or ewan, prang nahawa na rin ako. Actually, Nakikita ko na nga sknya yung future ko, it may sound oa to you but for me its not, of course. Pero bakit ganon? Naguguluhan ako. Anong dapat kong gawin? Mahal na mahal na mahal ko siya, at alam ko naman sa love na kahit ano pang flaws ng isang tao, kailangan tanggapin mo. Pero, hindi ba unfair nun? PS. I used my bro’s account to really hide my identity. Thankyou
No comments: