Link

KA-HUGOT KAILANGAN NIYA NG ADVICE :) -#21 Good evening po, I just want to share my story but please hide my identity, - My boyfriend po ako , 6 months kame. Nung unang niligawan nya ko, fiesta samin nun tas tropa ko yung mga tropa nya. 1st time ko syang makabonding nun pero nagstart syang asar asarin ako na parang close kame na liligawan nya ako kasi Crush nya daw ako :“> Nung una kasi, Alam ko madami syang SYOTA. Hnd nya naman tinago saken yun. Ako pa nga minsan nagbabasa ng mga text nya, Naging open naman sya magkwento saken mga kalokohan nya ng. Siguro mga 4 yung syota nya nung sinagot ku sya eh di bale pag 5 na ko. Wala lang saken yun sinasakyan ko lang sya kasi nabobored din naman ako, So parang wala lang din saken. Halos Magka lapit din lang bahay namen uhmmm halos Kanto yung kanila tas Kanto din yung Samen so araw araw kami nagkikita. Minsan pag tinopak ako pinagti-tripan ko sya na "Kunwari” nagseselos ako sa mga katext nya, Lagi nyang sinasabi na “Wala lang yan sila, Ikaw yung mahal ko” or “Kung gusto mo itext mo pa eh” magpakilala daw ako. na Girfriend nya. o kaya “Lagi mong tatandaan na Wala silang laban sayo” yung mga ganun nya na nafi-feel kong totoo naman kasi Sinusunod nya naman ako. Pag sinabi kong Umuwi na sya uuwi na sya, Pag sinabi kong wag syang uminom hindi nya gagawin. Pag sabi kong pumunta ka dito sa bahay Maya maya anjan na sya. Kaya feeling ko nasakin naman lahat ng atensyon nya kahit madami syang SYOTA. One time nabasa ko yung text nung Ex nya. Halos 2 years sila nun tas mga 1 year ng Break. Yung Ex nyang yun parang TANGA lang as in to the highest level. Palaging nagmamakaawa sa Bf ko tas biglang magyayabang, Basta mukang tanga lang. Alam ko di di sya pinapansin ng Bf ko. But then sa sobrang naiinis lang ako sa kanya inaway ko yung Bf ko. tas tinext sya ng BF ko. Sabi “Bakit ano bang pinaglalaban mo? Bakit Tayo paba? nagreply si girl sabi nya "Bakit hindi naba? Kaya pala may nangyayare pa! frown emoticon kahit naiiyAk na ko at gusto ko na silang patayin kumalma lang ako. Ako na yung nagreply sabi ko ” May nangyari saten? Kelan yung huli? Saan? - Sabi nya “Diba lastweek, Sa bahay. Tinatanggi talaga ng Bf ko na wala daw nangyari sa kanila kaya ayun tinawagan namin. Habang naguusap sila naririnig ko tinanong ng BF ko kung anong pinagsasabi nya? hindi sumasagot si girl pero pinilit ko talaga. hanggang pinatay nung girl ung phone na di man lang sinasabi kunt totoo yun, Kaya 50/50 . di ko alam kung kanino ako maniniwala. basta ang alam ko lang BWISET SILA! Gusto ko na talgang makipag-hiwalay nun sa kanya kaso sya ayaw naman. Yung puso ko ayoko rin talaga kasi aminado na ko Mahal na mahal ko na sya 3 Umiyak pa sya nung time na hhiwalayan ko na sya, Lumuhod nagmakaawa. Natulog pa sya sa labas ng bahay namin kasi ayoko syang kausapin. Alam ko lasing sya nung kaya Ayun binuhusan ko ng tubig tas hinatid ko pauwi. Pero dahil mahal ko sya, ilang araw lang din pinatawad ko na sya. Kami na ulet Masaya naman kami pag magkasama pero ayun madami padin syang Gf sa text.. alam ko nga meron pang taga school nila. Hindi ko talaga alam kung seroso sya talaga o hindi eh. Minsan ramdam ko minsan hindi. yung ganun? Ano bang dapat kong gawin?
Reviewed by Mark Joshua Austria on 8:57 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.