ANY ADVICE MGA KA-HUGOT? -#17 Kaylangan ko po ng advice.. May kasintahan po ako, 4 years mahigit yung tinagal ng relasyun namin at nagHiwalay na po kami last May this year. three months na po ang nakalipas mula ng mag break kami. Sya po yung nagdedisyun na maghiwalay na kami. Masakit po sa akin ang nangyari, kasi biglaan lang ang lahat. Di ko maintindihan kung bakit nakapag desisyun sya nang ganun, subrang okay naman po ang takbo ng relasyun namin. Subrang sweet pa ng mga mensahe nya sa akin non tapus kinaumagahan “nakig break na sya”. minsan di po talaga mawawala yung di pagkakaunawaan dahil LDR po kami. Peru naaayus naman po namin kung ano yung problema. Nagtaka lang po ako kasi di ko akalain na makakaya nyang makipaghiwalay sa akin, kasi marami na po kaming napagdaanang problema at nalampasan namin yun. Pinaramdam nya po sa akin na subrang mahal nya ako.. subra pong masakit, di ko po talaga inakala. Kaya hanggang ngayun po, di ko pa rin sya nakakalimutan. Mahal ko pa rin sya, kahit subrang sakit na. Tama po bang umasa pa ako na may happy ending pa rin sa aming dalawa?.o kailangan ko na talagang ibaon ang lahat sa amin ng tuluyan. Thank you po..
No comments: