ADVICE NAMAN KA-HUGOT :( - #33 Gusto ko pong magpaAdvice. Thankyou in advance!:) So, here it goes… I had my last relationship nung July. Iniwan niya ako ng wala siyang binibigay na dahilan. Iniwan niya ako na gulong-gulo, sirang-sira. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko nung mga panahon na yun. Dumating pa sa point na sa sobrang depressed ko, kasabay ng heartbreak ay tambak na schoolworks, halos bumigay na ako. Tinangka kong tapusin yung buhay ko. Pero nung nangyare yon, nung mga panahong nagising ako na nasa hospital ako, tsaka ko lang narealize na SOBRANG TANGA KO. Sobrang MALI talaga ng ginawa ko. Lalo na nung nakita ko yung pamilya ko na umiiyak at nagtatanong kung bakit ko nagawa yon. Hindi ako makapagsalita. Ayoko na silang pahirapan ng sobra. Pagkatapos ng pangyayare na yun, tumigil na ako sa kakahabol sa ex ko. Wala siyang kwenta. Ang pangit niya. Naging bitter ako. Napansin lahat yun ng mga taong nakapaligid saken. Naramdaman nila na sinara ko yung puso ko para sa iba. Takot na ako eh. Maraming gustong manligaw saken pero hindi nila kinakaya yung pagiging bitter ko. Haha. Wala talaga eh. Kailangan kong alagaan ang sarili ko. Kailangan kong protektahan ang puso ko. Pero here’s the twist. I met a guy sa facebook. Siya unang nagchat, actually, kasali kame sa isang gc, admin kase kame pareho sa isang page. So ayun nga, chinat niya ko, nakipag usap naman ako. At yun pala yung mali ko. Kase sa araw araw na pag-uusap namen, dun ko nararamdaman na yung bakal na hinarang ko sa puso ko, unti unting bumubukas. Traydor na puso! Sa personality niya kase ramdam ko yung honesty ang sincerity eh. Hindi siya yung paimpress na lalaki. Inaamin niya na loko loko siya minsan. So ayun, unti unti na akong nahuhulog hanggang sa nalaman ko na may nililigawan pala siya. Nabasa ko yun sa Gc namen. Tinanong ng isang admin kung kamusta na yung nililigawan niya, ang sagot lang niya is, “kasalanan niya at sinayang niya ako.” Pero when I asked him about dun, tinanong ko kung nanliligaw pa rin siya sinabi niya na Oo nililigawan pa rin niya pero hndi na daw kase sila tulad ng dati. Nahurt ako. Gusto kong iwasan siya pero hndi pwede. Ayokong ipakita na affected ako. Patuloy kameng nag usap hanggang sa may sinabi siya saken, sana daw ako na lang yung niligawan niya, kase kung sa totoo lang nman talaga sa ugali namen, nagkakasundo kame. Sinabi ko na sana nga, pero wala na kaming magagawa kase nga may nauna na, ipagpatuloy na lang niya. Ngayon, alam namin sa sarili namin na may nararamdaman kame para sa isa’t-isa. Hindi ko lang alam kung parehas kame ng level. O mas mataas yung saken. Simula nun, iba na din yung way ng pag uusap namen. Kapag di siya nkapagreply agad or iseen niya lang yung messages ko, nagtatampo ako, magpapaliwanag siya at magsosorry. Ganun din siya, gusto ko na kase siyang iwasan. Ayoko na kaseng lumalim pa tong nararamdaman ko kase alam kong ako lang rin yung masasaktan sa huli. Pero kapag hindi ko siya nirereplyan, sa gc naman niya ko kinukulit. Ayaw niya daw na hndi ako kausap. Bakit daw ako umiiwas, gusto kong sbhin kung bakit pero natatakot ako. Hanggang ngayon, nag-uusap pa rin kame. Yung ex ko? Wala na akong pake sa kanya. Mali po ba ako? Mali ba na nahulog ako sa lalaking hndi ko pa nakikita? Mali po bang nahulog ako sa lalaking may nililigawan ng iba? Mali po ba tong ginagawa ko? Babae ako at alam ko yung mararamdaman ng nililigawan niya kung sakali mang tumigil siya na manligaw. Pero, kasalanan ko ba yun? Eh hndi niya pinahalagahan eh. Ang swerte nung babae kase mahal siya. Ang swerte nung babae kase nauna siya. Pero sinayang niya lang. Mali po ba ako? Sana po matulungan niyo ako. Gusto ko na pong umiwas pero hindi ko kaya. Nasanay na din po kase ako. Mali ba talaga ako? Mali ba lahat ng nararamdaman kong ito ngayon? Sana po ay matulungan niyo ako. Salamat po. -bioGEsic.
No comments: