Link

ADVICE NAMAN :( - #55 Pwede pong humingi ng advice? Ganito po kasi, may nakilala po akong lalaki. Actually, matagal ko na po syang kakilala kasi ka org ko sya. Pero ngayon lang kami naging close sa isat-isa. Nagsimula po lahat sa intrams, player namin sya at Vice president naman ako ng Org namin. Kung kaya naman nagkaron ng dahilan para maging close kami. Nung una, nagkakatangahan pa kmi kse di pa naman kmi ganun ka close pero sa pagdaan ng mga araw, unti-unti na naming nakilala ang isat isa at sa di inaasahang pagkakataon nahulog ako sa knya. Ang masakit lang, wala sumalo sakin e. Di ko alam pero ramdam ko talaga yung care nya sakin. Di naman sa pag aassume. Ang buong akala ko WALA SYANG GIRLFRIEND kasi sabi nya wala na daw sila nung jowa nya. Kaya ako naman, nakikipaglandian lang. Pero nagulat na lang ako ng may nag add sakin sa fb na babae. At laking gulat ko na girlfriend pala nya yun. Ang sakit lang kasi sabi nya sakin WALA NA SILA. Pero sila pa din pala. Sguro akala nyo ititgil ko na yung feelings ko? Hindi. Kasi hindi ko kaya. Tanga ko ba? Wala e. Tinamaan ng magaling. Isang araw, may nabalitaan ako. Ang balitang talagang nakapagpaiyak sakin. MAGKAKAANAK NA PALA SILA. PUTANGINA NAMAN! ANG BATA PA NYA PARA MAGING AMA. TANGINA TALAGA. ANG SAKIT LANG. Ramdam ko na na MAHAL KO NA SYA E. Madami na kming memories. Madami na kming napag usapan at napagtawanan. Pumayag ako na maging PANSAMANTALA lang. Maging pangalwa lang. Pero bakit ganun? Di pa din sapat. Sabi nya, papanindigan daw nya. Mabuti naman kung ganun. Pero kahit pilitin kong maging masaya para sa kanila, bat di ko magawa? Ngayon pang ramdam kong galit sakin girlfriend nya. Sino nga ba namang di magagalit kung naging ahas ka sa pag aari nya? Nagmamahal lang. Sa ngayon, nagkikita pa din kmi nung lalaki at sobrang saya ko pag kasama ko sya. Pero kailangan ko ng pigilan to. Kailangan ko ng masanay na wala na sya. Pano ko ba sya agad agad makakalimutan? Kasi iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako. Naiiyak na ako. :(
Reviewed by Mark Joshua Austria on 7:53 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.