Link

- #78 Hi hugot babae! Just want to seek some advice thanks in advance ! Bale, magiisang linggo pa lang naman kaming ganito ng bf ko, i mean di nag uusap kahit text wala as in wala na, last sept 12 kasi I decided to end up our 6months plng naman na relationship kasi wala na kaming time pareho i dunno if sadya na yung kanya pero yung akin aminado akong oo, ganito kasi kami nagsimula, ex sya ng exbff ko, one year na silang wala nung naging kame and one year na din kaming f.o ni exbff, nagkaron ng issues pero nalagpasan namin, tapos may issue ulit, yung ex nya daw nabuntis nya, willing naman ako na palayain sya if ever totoo pero hindi, tapos halos buong pamilya nung girl minessage ako about my bf na wrong choice daw ako kesyo masama ugali may bisyo, oo may bisyo sya, tanggap ko yun lahat lahat, nagkasakit din sya, not the usual na sakit, you know, yung nkukuha sa sobrang kakatihan squint emoticon at ako yung karamay nya. Sinamahan ko sya magpacheckup at inintindi ko sya nung hiyang hiya sya sa sarili nya. May nagkagusto sakanyang bi at nagaway kami dahil dun, kahit na kinampihan nya yun over sakin, i choose to stay, pinalipas nalang namin yung issue, pero nagbubulagbulagan pa din ako kasi alam ko until now nagkikita sila, wala syang feelings dun sa girl pero yung girl kunwari tinatago sa lesbian kuno nya yun, whatever bahala sila. So ayan sa 6 months namin andami na naming napagdaanan, akala namin buntis ako last 2 months ago, sabi nya magtatrabaho sya para samin nung bata, false alarm. Akala ko magbabago na sya, until this last month na umalis sya sakanila, nahuli sya ng papa nya na gumagamit, nag away kasi kami nun, yun yung lagi nyang dahilan kaya bumabalik sya sa bisyo nya, nagiguilty naman ako at mahal na mahal ko sya kaya ayun andun pa din ako sa tabi nya. Dahil nga umalis sya sakanila walang wala sya, financially I support him since may work din naman ako, then it came na nanlalamig na sya sakin, iniintindi ko pa din, nagtatrabaho na kasi, kaya hirap na kami magkita, hanggang sa may nangyare na naman sakanya at sakin sya tumakbo, hiyang hiya na daw sya sakin pero i offer help, syempre ako na lang ang kakampi nya, yun yung lagi kong sinasabi sakanya, so nagaabot pa din ako panggastos, pamasahe pangkain nya sabi nya naman kasi papalitan nya yun sa sahod tho hindi ko naman na talagang ineexpect na babayaran nya yun, para sakin kasi feeling ko mag asawa na kami, yung mutual pati sa pera haha kaso di pala, di nga pala kami friends sa fb so nangiistalk ako sa profile nya then eto nga, lagi syang nasa labas kasama mga kaibigan nya, one time pa na nagpasama ako pero di nya ako sinamahan kasi bday ng bespren nya, okay lang naman sakin kilala ko naman yun, kaso kasi di sya nagpaalam, sabi nya susunduin nya ko ng 6pm 7pm na di nya sinasagot yung cp nya, kinabukasan nakita ko sa fb nya mga pictures nila, ayun, sabi ko siguro tama na yun, ayoko pa syang sukuan kasi alam kong walang wala pa sya, wala pang sahod e, yung last na financial support ko sakanya e nung sept 10 na last na usap na din namin, sabi nya tatawag siya sakin pag uwi nya, kaso hindi, pumunta ako sa lugar nila, kaso di ko alam kung san sya lumipat, nakakatakot din kasi pumasok sa lugar nila ng magisa, nagantay ako, tumatawag ako sakanya kaso nakaoff, til nung sept 12 nag msg ako sakanya sa fb, sabi ko ateast have the manners to say na ayaw mo na, para di na kita hinahanap, sabagay kasi sasahod na sya, yun naman yung sabi ko e, titigil nako kapag kaya na nya, e malapit na, so dapat makaramdam na ako. Then he replied, advance thinking na naman daw ako, nagaasikaso lang naman daw sya para makasahod ng maayos. Napaisip ako at some point, baka nga, kaso ni ha ni ho wala na kong napala skanya, dumaan na yung sahuran di man lang nya ko naalala hahaha di naman ako maniningil na e, sana lang naalala nya na may gf sya. Ayun, ilang araw pa lang, wala pa rin, miss na miss ko na sya, gusto ko ulit maunang iapproach sya kaso, tama pa ba ? Sorry kung mej mahaba haha salamat sa mga advices in advance hugot babae more powers ! kiss emoticon - hjwana
Reviewed by Mark Joshua Austria on 1:25 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.