Link

- #76 Hello! My name is Loreyn etong i'sshare ko hindi siya typical na manghihingi ng advice basta I’ll share this para maging wiser tayo sa susunod nating relationship. I had a 5 yr - relationship, 2nd year hs pa lang ako kami na tapos siya 1st yr college na, (ang aga ko lumandi noh) Masaya naman talaga yung feeling na kinikilig, pero minsan umaabot sa punto na ma'cconfiscate na ng papa ko cp ko kasi nagtetext ako ng dis oras ng gabi. Basta ayun masaya talaga yung feeling ng inlove ,alam niyo yan mga teh. Umabot na kami ng dalawang taon, dun na nagsimula yung sobrang pag'aaway. Sinaktan niya na rin ako physically, ako naman si tanga ako ba naghahabol. Wala eh, mahal ko. Ang tibay na nga ng likod ikaw ba naman mahampas ng monobloc?! Naulit ng naulit yung ganun, sakitan, sigawan walang katapusan. Naniwala ako sa “pag mahal mo, wag mo sukuan, kaya niyo yan.” Mag'ccollege na ko, kailangan ko ng umalis kasi mag'aaral ako sa Baguio, long distance love na kami. Naging insecure siya sa mga bagay bagay, tipong gagawa lang kami ng project galit na galit na. Tapos one time nag'sscroll ako sa facebook may nakita ako na account yung dun sa people you may add, aba picture niya, pinaamin ko, girlfriend pala niya yun. Pinalampas ko yung mga nangyari kasi nga mahal mo eh, wala kang magagawa, si cupido kasi. Hanggang sa umabot na kami ng 5yrs, dun na umariba ang pagiging babaero niya, biruin mo limang babae puro baby ang tawagan. Nahuli ko siya kasi lasing siya, eh pag ganon hindi niya na alam kung saan niya nilalagay cp niya. Biglang may tumunog so hinanap ko, hanggan sa naramdaman ko may nag'vibrate, tinago pala niya sa may anez niya yung cp niya. Nagalit ako, umiyak, tapos ayun nakipaghiwalay siya, ako naghabol. Hinabol ko siya, pinipilit ko siyang hatakin pabalik sakin. Minsan magtetext siya “magkita tayo.” Punta kagad ako. Tapos pag tinanong ko siya kung ano kami simpleng sagot niya “WALA.” Aray ko beh. Umabot na ko sa puntong nagtangka na kong magpakamatay, araw araw inom, kailangan hindi nalilipasan ng tama. Umaasa na babalik siya, na kami pa ulit. Wala eh mahal na mahal ko. Sa sobrang katangahan ko yung naging babae niya naging kasabwat ko pa, nagtago ako tapos inantay namin na dumating yung lalakeng yun. Pinaamin siya nung naging babae niya kung ano ba talaga niya ko, sabi niya “walang naging kami.” Napuno na ko, nag'decide na kong bumalik ng Baguio at mag'aral na ulit. Tapos malaman ko yung babae naging kasabwat ko at nangako na hindi niya na babalikan yung lalakeng yun, ayun sila na pala ulit. To sum it all, mga girls or kahit sa mga boys. Hindi tayo pwedeng manalig na lang sa salitang “WALA EH, MAHAL KO.” May utak tayo, tama na yung isa, hanggang dalawa lang dapat na beses na saktan nila tayo. Wag tayong tanga. Wala yan sa tagal o kung anumang pagsubok pinagdaanan niyo. Matuto kang lumakad palayo sa kung anumang nakakasakit sayo. Tama na. Oo, sa una masakit, sobra. Gabi gabing pag'iyak, inom.. Pero wag tayong ma'lulong dito. Learn how to stand, magpaganda ka ulit, pakita mo na kaya mo. Tapos masasabi mo na: “TANG INA MO, INIWAN IWAN MO AKO, TAPOS NGAYON MAKIKIPAGBALIKAN KA! ISA PANG CHANCE MO MUKHA MO. "Gusto mo pay mid fing sign pa) Pag nasabi mo na yun ng may halong tawa at walang ka'plastican, aba teh, okay kana kinaya mo na. AKO, nasabi ko na sakanya yun. Kaya mo rin yan.
Reviewed by Mark Joshua Austria on 11:10 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.