Link

- #59 Hi po. Gusto ko lang humingi ng advice. Meron akong manliligaw hindi ko talaga sya type nun hanggang nafall nako sa mga efforts nya. Then yung feeling na parang kami na? So andun na po yung tampuhan, ewan ko po if nasakin ang problema mapride po kase ako sobra. Edi away bati kami then isang araw mismong birthday ko. Nag away kami ewan ko kung bat bigla nyang di ako pinansin tas hanggang nagkasumbatan na. Akala ko maayos, sa sobrang pagmamahal ko na sakanya ako na yung sumuyo sabi nya magiging maayos pa daw kami pero matatagalan pa. Then umasa naman ako hanggang nalaman ko sa friend nya na nagkabalikan sila ng ex nya. Ang sakit saken, tinanong ko sya about dun sya pa nagalit. Nasabihan nya ko ng masasakit na salita. Pero di ako nagalit mahal ko e? Pero ang nakakapagtaka po sya pa yung bitter. Binlock nya pa ko sa facebook. Na dapat ako ang gumawa. Lage ko syang nakikita sa school namen, lahat ng alaala bumabalik “” pero ang dami ng nagsasabing wag na daw ako magpakatanga sakanya. Umaasa padin ako. Ano po ang dapat kong gawin? “” PS. Kung ipopost nyo po ito, pakitago ng name ko. Salamat po!
Reviewed by Mark Joshua Austria on 2:27 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.