Link

– Sana po ma-ipost to sa page. Gusto ko lang pong magshare ng story ko. :) And need some advice :* Ako yung taong sobra kung magmahal kaya sobra kung masaktan. Ako din yung taong laging sinasaktan, laging pinapaasa, laging pinagmumukhang tanga at laging naiiwang luhaan. Hindi ko alam kung bakit ganon? Diko alam kung may sumpa ba ko o ano?! Kasi lagi nalang ako yung naiiwan :( One time, meron akong nakilalang guy. Schoolmate ko siya. Sobrang crush ko siya, gwapo siya mukhang anghel nga daw sabi nila. Nagchat siya sakin, nagulat ako kase bat kilala niya ko? Tapos ayon, nagkachat kami ng matagal tas binigay niya sakin number niya, hanggang sa isang araw nagtapat siya sakin na matagal na daw niya kong mahal. (Fast forward ko na) Then naging kami. Masaya kami, lagi siyang may time sakin. Then one time, bigla siyang hindi nagparamdam. Nag-aalala ko nung araw na yon. Tapos may nagchat sakin na babae, sabi niya nililigawan daw siya ng bf ko. Sobra kong nasaktan pero diko pinansin kasi bka naninira lang. Nung gabi na yon, nagtext na ung bf ko tas tinanong ko sakanya kung mahal ba nya yung babae tas ang sagot nya, “Ewan”. Then ayon, diko nalang pinansin. Ok na ulit kame. After 1 week, may nagchat ulit sakin na babae. Sabi niya, “Paasa po yung bf mo, sinungaling, nakakainis” Nagulat ako kasi bat naman niya nasabi yon?! Tapos nalaman kong nililigawan din pala siya nung bf ko. Sobrang sakit na nung naramdaman ko. Naiyak nako nun sa sakit tapos nakipag-usap ako sa bf ko then sabi niya, “Kung di ka epal sa mga katext ko, di sana ko makikipagbreak sayo. Ngayon ko lng sasabihin sa babae to, break na tayo” Shet. Masakit! Siya pa yung may ganang makipagbreak at ako pa yung lumabas na mali. Diko alam kung bakit nagawa niya sakin yon. Pinaparamdam ko naman skanya na mahal na mahal ko siya pero bakit? Ang skit talaga. Sinubukan kong magmove-on, gumawa ako ng pagkakaabalahan pero diko makaya :’( Hanggang sa isang araw nagchat siya, nakikipagbalikan. Nagsorry siya sa mga nagawa nya at pagkukulang niya. Tapos binalikan ko naman siya kasi nga mahal ko pa. Kinabukasan nalaman kong na-hack pala yung fb nya at di siya ung nakachat ko nung araw na yon. Ang sakit! Pinagmuka akong tanga. Umasa ko :’( Nasaktan na naman ako. Pero bakit ganon? Sa dinami-dami ng pangyayari na naganap, sa araw-araw na nasasaktan ako, diko parin magawang kalimutan siya. Mahal na mahal ko parin siya until now. Advice naman po? :’(
Reviewed by Mark Joshua Austria on 6:48 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.