Link

REACTIONS & ADVICES! - dear hugot babae. sa totoo lang di ko talaga akalain na susulat ako sa ganito. pero kailangan ko talaga ng advice. please do not mention my name. ayaw ko lang din po na mabasa nya. may ex kasi ko. 15 pa lang ako nun at 4 years na kaming break. i admit i used him as a rebound. pero minahal ko sya, pero ganun nga siguro ang karma ngayon, digital. i caught him cheating, itinanggi nya yung babae. kinompronta ko din yung babae, pero sa maayos na paraan. pero ganun nga siguro kapag nasaktan ka sa una, akala mo lolokohin ka din ng mga susunod pa. we settle the issue, pero mas marami lang yung hindi namin pagkakaunawaan. hanggang sa nag break na kami. apat na taon na actually. pero sa apat na taon na yon, hindi kami nawawalan ng communication. hanggang sa nagka girlfriend na sya. samantalang ako, wala pa din. then now, mas napapadalas yung pag uusap namin. mas nagiging sweet, feeling ko naglalandian na kami. iniisip ko rin yung gf nya. ilagay yung sarili ko sa pwesto nung gf nya. masakit yon. my ex keep on telling me that he love me still. sa kabila naman kasi ng mga taong dumaan lagi nya ring sinasabi yon. then he said he want me back. hindi ko na alam kung anong gagawin ko. hindi ko alam kung tama pang bawiin ko sya e nagkakalabuan naman sila. hindi ko na alam kung tama pa yung ginagawa ko.
Reviewed by Mark Joshua Austria on 12:21 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.