REACTIONS & ADVICES! -#5 Hi, to the admins of Hugot Babae. I just wanted to share about the love of my life. Actually, magulo na ngayon si lab of my life. Haha. Pasensya na kung mejo mahaba. Pakitago nalang ako sa palayaw na len-len. Bago palang kaming mag-boyfriend/girlfriend *dati*. Nanliligaw pa lang sya. May mga napagdadaanan na agad kaming mabibigat na bagay. Kaya mas lalo akong humanga sa kanya. Sa totoo lang. Di ko talaga sya napansin nung una. Hindi kasi ako pang-girly kung kumilos e. Mas napapansin ko pa yung magagandang babae kesa magagandang lalake. Hanggang sa nalaman ko, may crush daw sya sakin. Syempre ako? nagulat. Sa mejo kilos lalake kong toh, may nagkaka-crush pa pala sakin. Magka-klase kami simula nung 2nd semester nung 1st year college ‘till now. Then hanggang isang araw ayun! crush ko pala din yun! Mabait, may katalinuhan, a god fearing man! At higit sa lahat lagi akong nire-respeto. Ayun, nanligaw nga sya. tsaka nalaman ko nung nanliligaw palang sya. Kakahiwalay nya lang sa ex nya. And that was really my wrong move, kasi hindi ko na inalam pa yung tungkol sa kanila. Masyado na kasi akong nafa-fall. Tsaka kung wala na sila. Ediwala na! bat ko pa susubukang alamin ang past? colonthree emoticon Pero dahil masyadon na din akong napapamahal sa kanya, tas ayaw ko na ding bumitiw pa. Niyaya ko syang mag-simba kasama yung isa kong pinsan, nung tapos na yung misa nasa labas na kami ng simbahan may binigay akong maliit na sobre sa kanya. Sabi ko buksan nya. Ayaw nya pa nung una, sa bahay nalang daw. Pero sabi ko :Sige na, buksan mo na smile emoticon “ binuksan nya din, tapos binasa yung nakasulat. Nakalagay sa sulat na yun.. "Sinasagot na kita. And it’s a big big YES!” Di ko napansin sa harap ko pala sya ng simbahan sinagot sa bahay ni Papa God. Haha. Simula nung araw na yun palagi kaming masaya. Pero nagtataka lang ako? Bakit ayaw nyang ipaalam sa mama nya? unsure emoticon I was just thinking? bakit ayaw nya? Pero dahil masaya kami. Di na muna ako nag-tanong. I just shut my mouth. Still thinking, Why?. And just be happy with him but still confusing. Lumipas yung isang bwan. Nag-date kami. Sa simbahan smile emoticon at kontento na ako sa ganun smile emoticon masaya na ako. Sobrang saya ko nun, kasi sa loob ng isang bwan, mejo bumibigat lalo yung struggles namin, pero! nakayanan pa din namin pareho. Dumating si 2nd monthsary smile emoticon syempre happy nanamn. Ang kaso, bakasyon nung mga oras na yun. Legal ako sa kanya. Pero hindi kami legal sa parents ko. You know. Girl problems. Sobrang istrikto ng mga magulang. Di ko manlang sya maipag-malaki sa mga magulang ko na.. “Oh mah! "Si *tooot* tinulungan ako sa projects ko po smile emoticon ” “Pah, si *tooot* alagang-alaga ako kapag inaatake ako ng sakit ko para pong ikaw.” I’m really proud of him. heart emoticon So ayun nga! dahil bakasyon! May communication naman, kaso.. di kami masyadong nagkikita. Kasi mejo magkalayo kami. Hindi naman sobrang layo. Dahil nga sa istrikto yung mama ko, hindi ako pinayagang umalis nung araw na yun. Lumipas yung araw na mejo cold ang laman ng chat box namin. Pero nandun pa din yung sweetness. Yung tipong akala mo, mag-barkada lang. Nag-away kami sa isang bagay. Hanggang maging okay na ulit. Pero di ko alam bat ganun yung nangyari.. Hangggang sa isang araw.. nalilito na sya frown emoticon naguguluhan. Kung sinong mahal nya. frown emoticon Naalala ko, nasa isang restaurant kami. Kasama yung ilan sa mga barkada kong pinagkaka-tiwalaan. Sabi ko, “Kung magigipag-balikan sayo yung ex mo? Babalik ka pa ba?” kinabahan ako sa sagot nya. Dahil nung mga oras na yun, nanliligaw sya. At ako? fall na fall na. Sabi nya, “Hindi” Habang umiiling. PERO DI KO ALAM KUNG SAAN NAPUNTA YUNG MGA SALITANG YUN? DI KO NA DIN ALAM KUNG BAKIT DI NYA PINATUNAYAN SAKIN NA GAGAWIN NYA YUN. YUNG… Hindi mo na talaga sya babalikan. Nag-usap kami one time. Kasama nanaman mga barkada ko, pero di nila alam yung nangyayari samin. Kasi ayokong mag-mukha syang masama sa tingin nila. And yep, 2 months lang kami. Mas malala, Kapitbahay nya ex nya. Feeling ko nga, mas maganda ex nya kesa sakin. Boyish ako, yung ex nya? Ayun, babaeng-babae. Ni hindi ko manlang kayang pantayan yung pagsusuot nya ng palda xD pati yung shorts. colonthree emoticon Sabi nila maganda ko? Kaso di ko ma-sight -,- lol. Ewan ko ba? Nag-break kami, dahil sakin. Ako naman yung nag-desisyon e. Hirap na hirap sya e. Ramdam ko sya. Kahit hindi ko sya maintindihan kasi hindi nya alam kung sinong mahal nya, Inintindi ko sya. Pinalaya ko sya. Kasi mahal na mahal ko sya, at ayokong nahihirapan sya. ANG TANGA KO LANG DIN! Malaki naman laban ko dun sa ex nya kasi ako? PRESENT. Sya? PAST NALANG! pero sabi nga nila diba? Kung mahal mo? PALAYAIN MO, kasi kung mahal ka nya. BABALIK YAN. Naniwala nga ko. Bumabalik sya sa ex nya e. Eh ako? Kelan kaya sya babalik sakin? frown emoticon Sobra kong natamaan sa EX with benefits ni Coleen and Derek colonthree emoticon Kasi ganun kami ngayon. Nagmu-move on sya sa ex nya. Habang ako? Hindi maka-let go sa isang bagay kasi… todo hawak pa din ako. Umaasa na mamahalin nya ulit ako. Yun nga lang iba yung nangyari kila coleen, ang taray ng present ang bait nung past. Samin baliktad e. Mabait naman daw ako. Pero di ko alam bat ganun yung tingin ko sa ex nya. colonthree emoticon Masyadong pameme. Yung mga salitang pinanghawakan ko sa kanya sa love of my life ko, ayun Asadong-asado naman ako. Nabola-bola e. Kapag nagse-senti sya kasi nagmu-move on sya sa Ex nya? Binabara ko agad. HE’S SO BLIND! My goodness! frown emoticon Di manlang makita yung kahalagahan ko. Na lagi syang inintindi. Laging nanjan para tulungan sya, para suportahan sya, para ipagtanggol. May nakita nga akong quote na mas lalo akong natamaan. Sabi, “HINDI KA NYA MAHAL, DI KA LANG NYA MABITAWAN! KASI WALA SYANG MAKITA NA KASING TANGA MO!” Naalala ko agad kasi sya. Kasi may itinext sya sakin na, “Ang hirap bitawan ng taong kahit hindi kayo, sya yung nagpapasaya sayo at bumubuo ng araw mo! smile emoticon ” Oo na. Oo na. Sawang-sawa na ko. Simula sa mga barkada ko, hanggang sa pinsan ko. Lagi akong pinapangaralan ng katangahan ko. At oo alam ko tanga ako. Di ko lang alam, bakit ginawa kong vitamins ang pagiging tanga. Sabi nya, friends muna. Pota naman! pota talaga! Nasasaktan na ko e! Nasasaktan ako sa tuwing kasama nya ko, na! binabanggit yung ex nya kesyo ganito-ganyan kasi ang panget ng pinalit sa kanya! sa harap ko talaga! Kapag nasasaktan ako, nananahimik nalang ako! kesa naman barahin pa sya ng “Oo alam ko na! paulit-ulit?! punyeta naman! mag-move on ka na kase! andito ko! yun malandi yun! easy to get pa! makikipag-laro ako ng dota2 kahit kelan mo gusto! pero yun! di nya kayang mag-laro nun! TANG! pineapple naman! NANDITO KO! SYA TAPOS NA! WALA NA SYA! PINAGPALIT KA NA NYA! MAHAL NYA YUNG PRESENT NYA! AT IKAW?! BAHAGI KA NALANG NG NAKARAAN NYA, NA HINDI NA MABABALIKAN! Love is blind! kaya kahit mukha pang tukmol yung ipinagpalit nya sayo! wala ka ng pake! Mahal nya yun e! Ikaw?! WALA KA NA DUN!? Utang! lang talaga! UTANG NA LABAS! -,- frown emoticon Sobrang sakit maging rebound, maging panakip butas. Lalong-lalo na ang umasa. Sa likod ng katangahan ko sayo. At pagpapaka-tanga ko pa ulit sayo. Hanggang ngayon. MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA. At pinanghahawakan ko pa din yung salitang binitiwan ko sayo, na.."Walang iwanan.” Pinaglalaban kita sa pamilya ko. Naalala ko, wala na pala tayo. 3 Pero anjan ka pa din. Pinaparamdam na mahal na mahal pa din ako. Sabi mo din, “Walang iwanan.” Kaya mahal! Pangako ko sayo! kung sakali mang mabasa mo toh? Maga-antay ako sa tamang panahon. Kahit na hindi ko alam kung mahal mo talaga ko. Ayoko ng mag-tanong. Kasi last time na nagtanong ako. Umiiyak na tayo parehas. frown emoticon Imissyousomuch. And still lovedyou .Mahal na mahal kita. -Loida Curry
No comments: