KAILANGAN NIYA DAW NG ADVICE KA-HUGOT! -#1 Please hide my identity. Gusto ko lang sana humingi ng advice dahil hirap na hirap na po kase ako. Almost 1 year na kame ng bf ko na ngayon ay ex boyfriend ko na lang. Naging kame na masaya at maayos pero biglang nabago un , bigla syang d nagparamdam, minsan nga di sya magtetext at minsan ilang araw di magpaparamdam. Kahit na may internet at load sya.. hindi ko alam pero minsan lang sya magtxt then nag away kame dahil sa Coc. Dun ko sya makikitang online at nakikipag usap sa iba. Oo nakipag break ako, dahil d ko na matiis ung gnagawa nya lalo na kinumpara nya ko sa Ex nya at uminit ang ulo ko. D nmn nya kailangan gawin un at nakipagbreak ako. Pero saglit lang ako na yung nagsorry pero d nya na tinanggap na maging kame ule. Naregret ko yun inaamin ko sumuko ako agad pero d ko akalain na pumayag sya agad agad. Ilang araw d kame naging maayos ako na nagpakumbaba na puntahan sya sa kanila. Nag usap kame at lumalabas na ako yung masama sa gnawa ko well in fact may ginawa rin syang masama… sabi nya aayusin namen pero maghintay daw ako.. nung araw na yun sinabi saken ng pinsan nya na “may dapat kang malaman pero d ako dapat magsabi sayo kundi yung isa nateng kaibigan”. Tinanong ko yun sa tinuring kong bestfriend tutal may nabasa rin ako sa cellphone nya na ang sweet sweet nila. Hindi lang isa, hindi dalawa kundi tatlo. Oo na ang tanga ko … nagtanong ako sa kaibigan ko kung kilala ba nya yung tatlong yun, inamin nya yung isa lagi nyang kausap, katext at kaviber . Oo may idea na ko kung sino yun pinalitan lang nya ng pangalan pero yun yung babae na lagi nyang katext at hinahayaan ko kc sabi nya kaibigan lang nya. Tapos yung isa sabi nya na hindi nya kilala pero kaibigan nung ex ko nagtatawagan din. At ang pangatlo … pinakilala nya sa ex bf ko at naglandian sila then may time na pinatulog pa daw nung ex ko sa kwarto nya after nila mag inuman… nagsorry saken yung bestfriend ko dahil d ko akalain na gagawin nila yun. Umiyak ako sa harap ng ex bf ko at dahil dun, sorry sya ng sorry saken, niyakap nya ko at gnawa nya lahat tumahan lang ako. Nagwalk out ako at umuwi mag isa kahit sobrang gabi na yun. Nagparamdam sya at humingi sya ng sorry. D kame nagpansinan ng ilang araw pero isang araw may mga txt saken galing sa dati pa nyang babae na iniwasan na nya. Nilabas yung mga kalokohan ng ex ko at mga gnawa nya na d ko alam.. binigyan ako ng advice at sinabi ko yun sa ex bf ko nanumbat ako. Naging masama ako pero ang sabi sinisiraan lang daw sya. Ang dami na nyang sinasabing kasinungalingan saken. March yung araw na sabi nyang aayusin nya ang lahat. Ako tong si tanga na naghintay maayos. Mag seseptember na pero wala pa ring pagbabago. Ginawa ko lahat sa kanya, nandyan ako pag may kailangan sya. Lumalabas at nagkikita kame. Pero sa huli makikita ko na parang may tinatago sya. Yung isang babae na naging kalandian nmn nya siguro sila na ngayon dahil hanggang ngayon nag uusap sila . Inaway ko yung babae at ang sama ko para gawin yun. Lumaban ako para sa ex ko.. pero mukhang wala na kong lalabanan dba? … Lagi nya kong sinasabihan ng matatamis na salita. Nagpauto, nagpakatanga ako. Palagi akong umiiyak. Ang hirap din kc na ako yung lumalabas na masama sa mga nakakakilala samen dahil ako yung nakipaghiwalay sa kanya. Oo mababaw na dahilan yun pero sa kanya yung ginawa nya mababaw lang din daw yun. Inaamin ko wala na kong tiwala sa kanya . Pero bat ganun ayaw mawala ng nararamdaman ko sa kanya? D ko pa rin sya matiis at minamahal ko pa rin sya? Naattach ako masyado at minahal sya ng sobra sa gnagawa nya saken. Kahit mukha akong tanga Pano ko sya makakalimutan at iwasan . Iniignore ko sya pero pupunta sya sa bahay para mag usap daw kame at minsan magtetext para guluhin na namn utak ko. Wala akOng masabihan ng problema sa kaibigan ko kase naging masama ako sa paningin nila… Pano po ba makalimot at umiwas sa gantong pangyayari. Maraming salamat po
No comments: