– Hi po. Sana po mabigyan nio po ako ng advice. “Ting” as codename. Naguguluhan lang po kasi ako. May naging bf po kasi ako, nagsimula kami sa pagiging barkada, hanggang dumating sa point na nanligaw sia (Dec.2014) sabi ko naman wag siang magjoke, sabi nia naman edi wag, gusto ko po sia sa totoo lang kaso pakime muna hanggang sa (Jan.3,2015) naging kami. Naging masaya naman po ang 1-3 monthsary namin as in sobrang happy nafeel ko na mahal nia ako at mahal ko din sia. Hanggang dumating ung araw na may babaeng siniraan ung bf ko saken na tinitripan lang daw ako nun edi naniwala naman po ako hanggang inaway away ko sia, nag explain naman po sia pero mas nangibabaw saken ung galit. Sabi nia mas pinaniwalaan ko pa ung iba kaysa sakanya. Dumating po yung time na wala na talaga kaming kumunikasyon nagtetext ako sakanya pero di na nagrereply higit sa lahat seenzone nalang sa fb pagnagmemessage ako. Naisipan kong magpatulong sa barkada nia na iset up kami hanggang sa nangyari na nga na nagkita ulit kami. Ang tigas tigas nia na po, sabi nia andami dami nua daw nalalaman saken tinanong ko kung ano pero di naman sinasabi kasi nasasaktan daw sia. Sabay sabi nia di daw po nia ako minahal mula nung naging kami. Para pong gumuho ang mundo ko nun. Tingin nio po ba kaya lang nia un nasabi kasi dahil sa mga paninirang narinig nia o talaga pong hindi nia talaga ako mahal? Salamat po.
No comments: