Hi Admin , gusto ko lang pong mag share at humingi ng advice . May isang guy akong kafling ngayon . Di ko alam kung judgemental lang ba ko sa kanya or ano . Gwapo talaga sya di ko matatanggi yun , mabaet din naman sya at hangga ako sa kanya . Di ko alam kung ano ba talaga kame . Natatakot akong mag-invest ng feelings sa kanya kase nga pakiramdam ko imposible naman na magkagusto talaga sya saken . Famous sya and kilalang playboy , so pakiramdam ko parang naglalaro lang sya . Pero kahit parang ganun sinasabayan ko nalang sya at parang ayaw ko ng itigil . Gusto kong magtanong sakanya pero may pumipigil saken . Di ko na po alam gagawin ko , kase alam kong dimalabong mafall na ko sa kanya . Itutuloy ko paba ? o lalayo nako ?
No comments: