Hello #HugotBabae, just wanna share my story. Nung araw na yun, nag break kami. Eh kase naman, nagseselos ako! Paano, may pasok ako nun, bumabiyahe na ako papunta sa school nung tumawag siya sa akin. Ang ingay. Ang hangin-hangin halatang nakasakay siya sa motor. He said, “Baby, papunta kami sa mall ngayon ah.”, “Kami? Bakit kami? Sinong kasama mo?” Sabi ko. “Si Tiny at Pat” sagot niya. Letche, kumulo ang dugo ko. Kasi paano ba naman, Dalawang babae ang angkas niya sa motor?! At pupunta pa sila sa mall?! Nagseselos ako. Selos na selos ako kase una, dalawang babae nga ang angkas niya. Pangalawa, Nagpaalam siya sa akin nung papunta na sila. I take a deep breath that time, tas ang sagot ko sknya, “Ah okay. Break na tayo ha? BYE!” Tas pinatay ko ang tawag at ini-off ko phone ko. Busy ako sa school. Hindi ko sinindi ang phone ko. Pauwi na ko nun, nung bababa na ako ng bus. Nakita ko siya. Shems magkahalong galit at selos ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung dedeadmahin ko lang siya o sasampalin o sisigawan. Lumapit siya sa akin, “Baby.. Sorry na. Iloveyou.” Sabay abot sa akin ng Bouquet of roses. My reaction is priceless. First time niya kasi akong bigyan ng ganon. At first time ko lang makatanggap ng ganon sa buong buhay ko. 😍 tilian yung mga tao sa paligid namin. Etchosera sila ako lang dapat yung kinikilig e! HAHA. “May kasalanan kapa sa akin.” Sabi ko sknya pero kinuha ko na yung bulaklak. Sabi nya na yung bulaklak pala yung sadya nila sa mall kaya siya nagpasama sa dalawang kaibigan niya. And then yun, Pinatawad ko na siya. ❤ Isa yun sa mga unforgettable memories namin. Sa ngayon, Our relationship is being complicated. Marami nang hindi magandang nangyari. But if we are destined with each other, at the end we will be together. ☺ P.S Puro ex’s ang minemessage ng iba, so I decided to share one of my kilig stories. Guys, Wala mang forever, Pero may Lifetime at true love. ❤ Single o bitter ka man ngayon, Maghintay ka lang. Darating din ang Right guy na magtuturo sayo na maniwala sa Forever. 😊
No comments: