Link

#7 #HUGOTBABAE - #SaFriendshipMayFOREVER Dear Admins/HugotBabae, Hi. Call me Yansie at ito ang kwento ko … 1st year college palang ako nung makilala ko si Tangent. He was my crush, my inspiration and lucky me we became best of friends as the days pass by. Di kami parehas ng course but we have a very closed relationship. I thought it will just end there, pero habang tumatagal hindi ko namamalayan naghuhulog na pala ako sakaniya. Akala ko ganun din siya, kaya umamin ako. Ayoko kasing magsisi sa huli kaso akala lang pala, kasi that time may Girlfriend na siya. Lumayo ako, nagkusa akong iwasan siya. Ayokong makasira ng relasyon ng iba. Nasaktan ako. Lumipas ang maraming buwan, umiiyak parin ako kapag naaalala ko siya. Birthday ko noon, bigla siyang nagtext sakin. “Pangit,wala na kami 3” at itong lokaloka niyong kahugot, todo comfort agad. Akala ko okay na ako sakania before that day to come. Akala ko napghandaan ko na but then again i was wrong kasi bumalik yung friendship namin kasabay ng pagbalik ng feelings ko saknia na kahit kailang naman e hindi nawala at mas naging super close na kami. To the point na akala ng buong campus namin may relasyon na kami. Hanggang umabot yung trip namin na magpanggap na meron kaming FAKE RELATIONSHIP. Umabot kami ng 2months na ganun ang set up, Masaya ako nung mga panahon na yun. Sobra na hindi ko maipaliwanag. Kinakantahan niya ako, binibigyan ng regalo, hindi iniiwan, sinusuportahan, prinoprotektahan. Kaso lahat nga naman may katapusan, dumating ang birthday niya. Pinaghandaan ko ang araw na yun, ipinagluto ko siya smile emoticon pero after that day, sa pangalawang pagkakataon bigla na lang siyang nawala. Hindi namansin at trinato ako na parang di niya kilala. Ang loko, ayun may Girlfriend na pala ulit 3 Masakit sobrang sakit. Para na akong martir na ini-stalk yung fb niya at sinasaktan yung sarili ko sa mga nakikita kong pictures at posts nilang dalawa cry emoticon Masakit to the point na gabi-gabi ko siang iniiyakan. October 2,2014 yan yung last na nag-usap kami. Hanggang ngayon, wala parin kaming communication. Blocked ako sa FB niya. Malalamig yung tingin niya sakin though minsan nginingitian niya ako. I made a way para makapag-usap kami para maayos yung gulo, kaso sia mismo ang lumalayo. Minsan naiisip ko, ito ba ang consequence ko kasi minahal ko yung bestfriend ko ? na kahit yung pagiging mag-Bestfriend kailangang mawala samin ? Na siya na isa sa mga pinapahalagahan kong tao kailangang lumayo sakin? Mali nga siguro talaga. Pero wala akong pinagsisisihan smile emoticon Atleast naiparamdam ko sakaniya yung pagmamahal ko. Naparamdam ko yung love na kahit kailan hindi maipaparamdam ng iba sakaniya. Kung bibigyan man kami ng 3rd chance at this time siya na ang maghabol, sorry pero NATUTO NA AKO. At ayoko ng maging TANGA ulit sa taong minsan na akong nasaktan.
Reviewed by Mark Joshua Austria on 6:57 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.